Linggo, Hulyo 29, 2012

Gawing aral ang pagkakamali mo.

Kung nasaktan ka sa kabila ng pagmamahal mo,
Tanggapin mo ito na bukal sa kalooban mo,
Hindi dapat pinagsisisihan ang tagpong nag mahal ka ng walang pag aalinlangan,
Ang kailangan mo lang ay ang matutunan ang dalang aral nito sa'yo,
Tanggapin ang katotohanan na maling tao lang ang inibig mo,
At isaksak sa iyong isipan ang mga masasayang ala-ala na iiwan nito para sayo.

Hindi naman mali ang magmahal,nasasayang lang ito kung walang kwentang
tao ang pinagbuhusan mo.

Magpasalamat ka na lang na sa tanang buhay mo,mali man ang taong inibig mo,
At least natutunan mong sundin ang sinisigaw ng puso mo,
Naramdaman mong lumigaya sa mundo kahit na sandali lang,
At napatunayan mong kaya mong magmahal ng totoo.

Maiwan ka mang nag iisa ngayon,
Makakatagpo ka parin naman ng mas nararapat na tao na
Magpapatuloy magbigay ng kaligayahan sa buhay mo!.:)

By:Miro

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento