Ang mga KAIBIGAN ay parang pahina ng aklat...
Kapag nawala ang isa KULANG NA ANG ISTORYA!!
-miro
Mga Quotes ni Miro
Hi I'm Jenna! its my first time here in blog world… i hope that every one likes what i gonna post in coming days.. just comment here if you want to ask me anything and i can answer that in just few minutes. If you want advice tell me or teenagers quotes.. thank you! -miro
Biyernes, Hulyo 12, 2013
Linggo, Hulyo 29, 2012
Mahalaga kayo sa isat-isa
Hindi lahat ng taong sa palagay mo ay ESPESYAL sayo,
Ay dapat mong makarelasyon,
Minsan,tama na yung alam nyo na MAHALAGA kayo sa isa't isa.
By:Miro
Mapapasaya mo sya sa sarili mong paraan!
Hindi mahalaga kung ano ang katayuan mo sa BUHAY nya.,
Ang mahalaga napapasaya mo sya sa paraang DI NAGAGAWA ng IBA!
-Miro
Mahirap isuko angbagay na kahit kailan ay ayaw mong mawala sayo!!
Mahirap isuko ang taong sobrang mahal mo,
Pero mas mahirap ipaglaban ang taong hinihintay lang ang pagsuko mo!
-OUCH
By:Miro
Magpatawad ka!!
Kung nagkaroon man ng kasalanan sayo ag isang tao
Patawarin mo kasi kung ang DIYOS ay nagawang mag patawad what more kapa???
Wala namang masama sa pagpapatawad eh!
Diba kung sakaling ikaw yung nasa posisyon nya,
Mas gugustuhin mo na mapatawad ka ng taong nagawan mo ng kasalanan??...
John 20:23
''If you forgive anyone's sins,they are forgiven,
If you do not forgive them,they are not forgiven.''
GOD BLESS YOU!!!
By:Miro
INA
Ang sarap isipin nung ako ay bata pa,
Masasayang ala-ala sa piling ni ina,
Kay sarap sariwain sa tuwi-tuwina
At di maiwawagli sa aking ala-ala
Saking pagkamusmos ang laging nasa isip,
Saan man sya magpunta,kamay nakakapit
At sa tuwing mawawala,saking paningin,
Inay ko!,inay ko yan ang laging sinasambit
Sa aking pagtulog,siya ang laging katabi
Ako'y binabantayan araw man o gabi
D hahayaang malagay man sa panganib
Siya ang aking tagapagtanggol palagi
Ang kasiyahang iyo'y madaling naparam
Nang ang aking inay bigla akong iniwan
Dahil sa pangyayaring hindi naiwasan
At ang ina kong mahal ay biglang pumanaw
Isang araw ay nagising,at siyay hinanap
Aking hinanap ngunit di nahagilap
At ng hindi ko makita ang aking ia
Sa sobrang takot ako ay umiyak
Ako'y nilapitan ni lola't kinausap
At ipinaliwanag kung ano ang naganap
Sa mura kong edad pilit pinaliwanag
At nang sya'y may itinuro sa aking harap
Pagkatapos noon ako'y kanyang binuhat
At sa puting kahon ako ay idinala
At ng may mistulang may taong nakaratay
Ang nakahimlay pala dooy aking ina
Masakit isiping si ina'y pumanaw na
Di na muling matatanaw ang kanyang mukha
Sa mga mata ko mukha mo'y di mabubura
Iisipin lamang masasayang ala-ala
Kayat sa munting tulang ito nais kitang pasalamatan
O aking ina minamahal kong tunay
Ang pagmamahal na di ko man naiparamdam
Sa puso't isipan ko di ka iwawalay.
Kayat sa munting tulang ito nais kitang pasalamatan
O aking ina minamahal kong tunay
Ang pagmamahal na di ko man naiparamdam
Sa puso't isipan ko di ka iwawalay.
By:miro
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)


