Linggo, Hulyo 29, 2012

INA

Ang sarap isipin nung ako ay bata pa,
Masasayang ala-ala sa piling ni ina,
Kay sarap sariwain sa tuwi-tuwina
At di maiwawagli sa aking ala-ala

Saking pagkamusmos ang laging nasa isip,
Saan man sya magpunta,kamay nakakapit
At sa tuwing mawawala,saking paningin,
Inay ko!,inay ko yan ang laging sinasambit

Sa aking pagtulog,siya ang laging katabi
Ako'y binabantayan araw man o gabi
D hahayaang malagay man sa panganib
Siya ang aking tagapagtanggol palagi

Ang kasiyahang iyo'y madaling naparam
Nang ang aking inay bigla akong iniwan
Dahil sa pangyayaring hindi naiwasan
At ang ina kong mahal ay biglang pumanaw

Isang araw ay nagising,at siyay hinanap
Aking hinanap ngunit di nahagilap
At ng hindi ko makita ang aking ia
Sa sobrang takot ako ay umiyak

Ako'y nilapitan ni lola't kinausap
At ipinaliwanag kung ano ang naganap
Sa mura kong edad pilit pinaliwanag
At nang sya'y may itinuro sa aking harap

Pagkatapos noon ako'y kanyang binuhat
At sa puting kahon ako ay idinala
At ng may mistulang may taong nakaratay
Ang nakahimlay pala dooy aking ina

Masakit isiping si ina'y pumanaw na
Di na muling matatanaw ang kanyang mukha
Sa mga mata ko mukha mo'y di mabubura
Iisipin lamang masasayang ala-ala

Kayat sa munting tulang ito nais kitang pasalamatan
 O aking ina minamahal kong tunay
Ang pagmamahal na di ko man naiparamdam
Sa puso't isipan ko  di ka iwawalay.

By:miro

1 komento: